P2.5-M MARIJUANA BRICKS NASABAT SA BAGUIO

UMABOT sa 21 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P2,520,000.00. ang nasabat ng mga tauhan ni Philippine Drug Enforcement Agency-CAR Regional Office chief, Director Derrick Carreon, sa Burnham-Legarda, Baguio City. Ayon kay Director Carreon, dalawang drug personalities ang kanilang nadakip sa ikinasang buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng PDEA-CAR Baguio/Benguet at Mt. Province Provincial Office sa Burnham-Legarda, Baguio City nitong nakalipas na linggo. Dito nakumpiska ng PDEA ang 21 dried marijuana bricks na P2.5 milyon ang halaga. Ayon kay Carreon, isang 43-anyos na lalaki mula sa…

Read More

EMPLEYADO NG IACT ITINUMBA SA BAHAY

CAVITE – Patay ang isang lalaking empleyado ng Inter Agency Council for Traffic (IACT) makaraang barilin sa loob ng kanilang bahay sa Gen. Trias City noong Sabado ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si Hervin Cabanban, empleyado ng IACT, at residente ng Heneral Uno, Brgy. Pasong Kawayan 2, General Trias City, Cavite, namatay dahil sa tama ng bala sa ulo. Ayon sa salaysay ng kanilang mga kapitbahay, bandang alas-2:00 ng madaling araw nang makarinig sila ng putok ng baril subalit binalewala nila ito. Kinabukasan, napansin nila na bukas ang pintuan…

Read More

BOI NAGBIGAY NG GREEN LANE SA P18.7-B BULACAN PROJECTS

PINAGKALOOBAN ng Board of Investments (BOI) ng Green Lane Certification ang 31 proyekto na nagkakahalaga ng P18.7-bilyon at tinatayang makalilikha ng hanggang 7,000 trabaho sa lalawigan ng Bulacan. Ang Green Lane ay itinatag sa pamamagitan ng isang executive order para simplehan, pabilisin, at i-automate ang mga proseso ng pagpaparehistro at pag-apruba ng gobyerno sa strategic investments. Ang Board of Investments ay ang nangungunang ahensya sa pagsulong ng pamumuhunan ng gobyerno ng Pilipinas, isang kalakip na ahensya ng Department of Trade and Industry (DTI). Ang pangunahing tungkulin nito ay isulong at…

Read More

GLOBAL CITY MANDAUE CORP. NANALO SA SC

MANILA, Philippines — Pinagtibay na ng Korte Suprema ang bisa ng joint venture agreement (JVA) sa pagitan ng GlobalCity Mandaue Corporation (GMC) at ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaue na isa sa pinakamalaking reclamation project sa Cebu. Nilagdaan noong 2014 ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaue at Sultan 900 Inc. ang isang contractual joint venture agreement (CJVA) kasama ang GlobalCity Mandaue Corporation para sa GlobalCity Mandaue Project, na isang malakihang reclamation at urban development initiative. Saklaw ng proyekto ang reclamation ng higit 131 ektarya ng lupa sa paligid ng Mactan Channel at…

Read More

Palengke, sari-sari store man o tricycle 180 LGUs LARGA NA CASHLESS PAYMENTS

IPATUTUPAD na ang cashless payments sa tinatayang 180 Local Government Units (LGUs) sa pamamagitan ng Paleng-QR PH sa mga pampublikong pamilihan at pagsakay sa pampublikong transportasyon. Kasama sa cashless payment ang sari-sari store, market stalls, at maging ang mga tricycle. Sa katunayan ayon kay Palace Press Officer at Presidential Communications Undersecretary Claire Castro na sa 180 LGUs, may 127 ang nasa Luzon, 33 sa Visayas, 15 sa Mindanao at 5 sa National Capital Region. Inilunsad ng LGUs ang programa sa lokal lamang o nagpalabas ng patakaran sa pagpapagana para suportahan…

Read More

ERWIN TULFO INURIRAT SA DOH PONDO PARA SA INDIGENT PATIENTS

NAIS ni Senador Erwin Tulfo na magpaliwanag ang Department of Health (DOH) kaugnay ng hindi nito pagbibigay ng guarantee letter o GL sa mahihirap na pasyente kahit sa pampublikong ospital. Sa isang panayam, binahagi ng Senador na ilang mahihirap na indibidwal na humingi ng tulong sa kanyang opisina ang pinapunta nila sa DOH para kumuha ng GL ang pinabalik na lang daw sa ibang araw. Aniya, “May isang pasyente na nais magpagamot sa Philippine Heart Center tapos sinabihan na bumalik na lang sa ibang araw.’” Dagdag pa ni Sen. Tulfo,…

Read More

MANHUNT TULOY KAY DUMLAO

IBINASURA ng Ikalawang Dibisyon ng Korte Suprema ang mga legal na hakbang na isinampa ng dating opisyal ng pulisya na si Rafael Dumlao III, ang pangunahing suspek sa pagdukot at pagpatay noong 2016 sa negosyanteng Koreano na si Jee Ick-Joo sa loob ng Camp Crame. Sa kanilang resolusyon noong Hunyo 30, 2025, tinanggihan ng Korte Suprema ang petisyon ni Dumlao para sa injunction at Temporary Restraining Order (TRO) sa G.R. No. 275729, dahil sa hindi pagpapakita ng grave abuse of discretion. Tinanggihan din ng Korte ang petisyon para sa review…

Read More

SEND-OFF EVENT NG PINOY TALENTS PARA SA WCOPA

NAKIISA si Senadora Cynthia Villar sa Feel It Pilipinas: Blue Jacket Ceremony 2025, isang send-off event para sa 56 na mahuhusay na indibidwal na kakatawan sa Pilipinas sa World Championships of Performing Arts (WCOPA)—na kilala bilang Olympics ng performing arts—na gaganapin sa Long Beach, California, USA mula Hulyo 17 hanggang 25. Suportado ni Villar ang talento ng mga Pilipino kaya itinatag niya ang Villar School of Performing Arts sa Las Piñas City bilang tahanan ng WCOPA Philippines. Hindi lamang ito training ground para sa mga world-class na performers, kundi isang…

Read More

Kasunduan para sa BARMM-FDA nilagdaan: layuning palakasin pa ang regulasyong pangkalusugan sa rehiyon

COTABATO City – Nilagdaan na dito nuong Hulyo 10, 2025 ang isang kasunduan na lalong magpapalakas sa mga programang pangkalusugan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. Ang Ministry of Health ng BARMM at ang Food and Drugs Administration ng Department of Health ang naglatag sa isang Memorandum of Agreement (MoA) ng mga detalye kung paano mabantayan ang merkado laban sa pekeng mga gamot at pagkain at cosmetics na umano’y mapanganib sa kalusugan ng tao. Ayon kay BARMM Health Minister Dr. Kadil Sinolinding Jr., ang pagkakaroon ng sariling FDA sa…

Read More