THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO NAGING karaniwang eksena na sa Pilipinas na itinatrato na parang mga anak ang mga alagang hayop. Sa mga pasyalan at mga mall, maraming makikitang mga magkasintahan o mag-asawa na may dalang stroller, pero hindi sanggol ang laman—kundi aso o pusa. Nakikita rin natin ang pag-usbong ng mga negosyo na ang tinatawag na ‘fur parents’ ang primary market. Kung dati, veterinarian lang at maliliit na pet supplies shop lang ang mayroon, ngayon talagang sobrang laki na ng mga tindahang dedicated para sa mga hayop, may pet…
Read MorePAGPAPAKAMATAY NG OFW NAPANOOD SA VIDEO CALL NG NOBYO
OFW JUAN ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP ISA na namang kaanak ng isang overseas Filipino worker (OFW) ang lumapit sa OFW JUAN upang humingi ng hustisya sa sinapit ng kanilang mahal sa buhay, si Marie Jhoy Mepico Pamilgan, isang domestic worker sa Riyadh, Saudi Arabia, na umano’y nagpakamatay matapos makaranas ng matinding problema sa kanyang employer. Ayon sa pamilya ni Marie Jhoy, bago pa man mangyari ang insidente, siya ay nakapagreklamo na sa kanyang local agency sa Pilipinas, ang Yoshi Promotion Inc., ngunit hindi umano ito pinansin. Ang kanyang foreign…
Read MoreGAMOT, GINHAWA, AT GALING NG PAMUMUNO NI KAP BENBONG FELISMINO
TARGET ni KA REX CAYANONG ISANG makabuluhang hakbang tungo sa mas maayos na serbisyong pangkalusugan ang isinagawa kamakailan sa Barangay San Cristobal, San Pablo City, sa pamumuno ni Chairman Bembong Felismino at Bokal Bhenj Felismino, katuwang ang buong Sangguniang Barangay. Sa pormal na turnover ng mga pangunahing suplay ng gamot para sa San Cristobal Health Center, muling pinatunayan ng lokal na pamahalaan na ang kalusugan ng mamamayan ay isang prayoridad at hindi maaaring isantabi. Hindi biro ang epekto ng kawalan ng access sa gamot, lalo na para sa mga kapus-palad…
Read MorePCG: NAIAHONG SAKO SA TAAL LAKE MAY PABIGAT NA BATO, BUHANGIN
MISTULANG tumutugma sa pahayag ng missing sabungero whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan, alyas Totoy na ang mga hinahanap na bangkay ng mga nawawalang sabungero sa Taal Lake ay nilagyan ng buhangin o bato bilang pabigat upang hindi lumutang base sa narekober na ilang sako ng coast guard. Sa isang pulong balitaan, inihayag ni Commodore Geronimo Tuvilla, commander ng PCG Southern Tagalog District, na may mga sako silang nakuha sa ilalim ng lawa ang may nakasilid na mga bato. “Itong nakuha natin may sort of sinker, may pabigat,” ani Tuvilla.…
Read MoreLACSON SA MGA KASAMANG SENATOR-JUDGE: HINAY-HINAY LANG
TRABAHO ng prosekusyon at depensa – at hindi ng mga senator-judge – ang paghahain ng mga mosyon at pleading na may kinalaman sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Ito ang paalala ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson sa kanyang kapwa senator-judge, na ang trabaho ay makinig sa prosekusyon at depensa, at gumawa ng desisyon base sa argumento nila. “VP Impeachment Jurisdiction: A gentle caution to senator-judges of the impeachment court – we should leave the filing of all motions and pleadings to the prosecution and defense teams. Our job…
Read MoreGoal ng Kamara PINOY PAGKAISAHIN SA USAPIN NG WPS
LALABANAN ng mga kongresista ang mga kasinungalingang ipinakakalat ng China hinggil sa usapin sa West Philippine Sea (WPS) upang mapag-isa ang lahat ng Pilipino na ipaglaban ang karapatan ng bansa sa nasabing karagatan. Ginawa ng Young Guns ng Kamara ang pahayag matapos sabihin ni Foreign Ministry spokesperson ng China Lin Jian na ang arbitral ruling ng United Nation Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ay “piece of waste paper” kaya ito ay “llegal, null and void at non-binding”. “Lies about our seas divide us. We’re working to share…
Read MoreKULONG ‘DI SAPAT SA P1-B LAPTOP SCANDAL
BUKOD sa dapat pagdusahan sa kulungan ang kanilang kasalanan, kailangang ipabalik sa mga akusado sa ‘laptop scandal’ noong nakaraang administrasyon ang halos isang bilyong piso na nawala sa sambayanang Pilipino. Ito ang iginiit ni ACT Teacher party-list Rep. Antonio Tinio matapos iutos ng Office of the Ombudsman ang pagsasampa ng kasong katiwalian at falsification of public documents laban kina dating Education Secretary Leonor Briones, dating Department of Budget and Management (DBM) Undersecretary Lloyd Christopher Lao at 12 pa. “We demand that all those responsible for this massive corruption be held…
Read MoreKOREANO, 1 PA HULI SA ECSTASY
NADAKIP ng nagpapatrolyang mga operatiba ng Ermita Police Station 5 ng Manila Police District, ang isang Koreano at isa pang lalaki makaraang makumpiskahan ng limang piraso ng ecstasy tablets sa panulukan ng Nakpil at Jorge Bocobo Streets, Barangay 698, Ermita Manila noong Sabado. Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 11 ng Article II ng Republic Act 9165 ang suspek na kinilalang si Lee Yong Jae, 46, Korean national, negosyante at residente ng Barangay 698, Malate. Kasama rin sa naaresto ang umano’y kasabwat nito na si Borbe Allaine, 30, ng Pasay…
Read MoreSa ika-9 anibersaryo ng PCA ruling sa WPS MERCHANT SHIPS, NAVY COAST GUARD NAGSAGAWA NG ‘SIRENE SALUTE’
NAGSAGAWA ng “siren salute” o sabayang pagpapatunog ng sirena ang sea assets ng Philippine Navy, Philippine Coast Guard, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at maging merchant ships sa buong bansa bilang paggunita sa ika-9 na anibersaryo ng 2016 arbitral award sa South China Sea na pabor sa Pilipinas. Sabay-sabay na pinatunog ng Philippine Navy, Philippine Coast Guard, at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang mga tambuli ng kani-kanilang mga barko bilang pakikiisa sa anibersaryo ng 2016 Permanent Court of Arbitration ruling nitong nakalipas na Sabado. Ayon kay Captain John…
Read More