PAGHIMAY SA P4.5-T NAT’L BUDGET TINIYAK

INIHAYAG ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara na magkakaroon ng masusing paghihimay ng Senate committee on finance sa P4.5 trilyong pambansang badyet para sa 2021 na isinumite ng
Department of Budget and Management (DBM) kamakailan.

Sa pahayag, sinabi ni Angara na kanilang natanggap ang kopya ng badyet kaya’t puwede nang simulan ang pag-aaral dito upang mahimay nang todo ng buong kapulungan.

“We will be thorough in our review for that has always been the Senate way.

We will not sacrifice scrutiny for speed. And I say this with confidence that we will meet the deadline of  a well-crafted budget ready for the President’s signature long before the year ends,” ayon kay Angara

Kamakailan, inihayag ng DBM na inaprubahan ni Pangulong Duterte ang P4.506 trilyong badyet sa ginanap na special meeting kasama ang Development Budget Coordination Committee (DBCC) noong nakaraang Hulyo 30.

Sinabi ni Angara na isa lamang ang pangunahing macroeconomic assumptions na nagpapalakas sa susunod na gastusin ng pamahalaan, ang corona virus 2019 (COVID-19).

“It will dictate the thrust and content of the 2021 budget. It is through this prism that we will view the budget,” ayon sa mambabatas.

Aniya, magsisilbing fighting budget ang 2021 national expenditure programs dahil nakatuon ito sa paglaban sa COVID-19 sa lahat ng aspeto ng gastusin na pangunahin ang pagpapasigla at pagbangon ng ekonomiya at pagtugon sa health system.

Kamakailan, inihayag ng DBM na layunin ng 2021 budget na panatilihin ang pagkilos ng pamahalaan laban sa COVID-19 pandemic.

Mas mataas ng 9.9 porsiyento ang 2021 national budget kumpara sa kasalukuyan na P4.1 trilyon, at katumbas ng 21.8 porsiyento ng  Gross Domestic Product. (ESTONG REYES)

120

Related posts

Leave a Comment