Board members papanagutin din – solons ‘ULO’ NI DUQUE LUNAS SA KANSER NG PHILHEALTH

HINDI magagamot ang sakit na kanser ng PhilHealth hanggang hindi nasisibak at natatanggal si Department of Health Secretary Francisco Duque III.

Ito ang pahayag ni Senador Francis Pangilinan sa pagkakatalaga kay PhilHealth COO Arnel de Jesus bilang officer-in-charge ng ahensya.

Aniya, ang pagkakatanggal kay Duque bilang kalihim ng DOH at pinuno ng Inter-Agency Task Force (IATF) ay magmimistulang sagot sa sakit ng PhilHealth na nababalot din ng katiwalian ng mga opisyales ng ahensya.

“The public clamor is for the replacement of Duque, both as health secretary and head of the IATF, the primary drivers of the government pandemic response. The public clamor is for a surgery of the cancer that is corruption not just in PhilHealth, but in the government offices responsible for the procurement of overpriced and sometimes ineffective medical equipment, devices, and supplies,” paliwanag pa ni Pangilinan.

Giit pa ng senador, maituturing na band-aid lamang ang pagtatalaga ng bagong mamumuno sa PhilHealth at hindi masosolusyunan ang patuloy na pagdami ng kaso ng tinatamaan ng COVID-19.

PANAGUTIN DIN

Kaugnay nito, hindi lamang ang mga executive ng PhilHealth ang dapat panagutin sa katiwalian sa nasabing ahensya kundi ang mga miyembro ng board na pinamumunuan ni Duque.

Ito ang iginiit nina Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate at Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas dahil tulad aniya ng mga executive ay may malaking pananagutan din umano ang grupo ni Duque sa nangyayaring katiwalian sa ahensya.

“Hindi lamang ang mga executive ang dapat managot kundi ang Board na pinamumunan mismo ni Secretary of Health Duque. Noong unang pagkakataon na naging kalihim ng Health si Secretary sa panahon ni Gloria Arroyo, malala na ang problema sa PhilHealth. Ngayon bumalik siya bilang Secretary of Health nandyan pa rin ang problema ng PhilHealth at sabi pa nga ng iba kasama sya dun sa mafia,” ani Zarate.

Base sa PhilHealth website, binubuo nina Department of Social Welfare and Development Secretary Joselito Bautista, Labor Secretary Silvestre Bello III, Finance Secretary Carlos Dominguez, Budget Secretary Wendel Avisado ang PhilHealth Board of Director.

Mga appointive member naman ang nag-esign na si PhilHealth president at CEO Ricardo Morales, ret. BGen. Marlene Padua (Health Care Providers Sector), Alejandro Cabading, Maria Graciela Garayblas-Gonzaga at iba pa. (NOEL ABUEL/BERNARD TAGUINOD)

270

Related posts

Leave a Comment