PAGKABIGO NG KAGULUHAN TAGUMPAY NG DIWA NG PILIPINO – GOITIA

NAGKAGULO sa Mendiola nitong Setyembre 21 matapos umatake ang mga nakamaskarang raliyista na nanghagis ng bato, bote, at pampasabog laban sa mga pulis. Maraming pulis ang nasugatan at ilang ari-arian ang nawasak. Para kay Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia, malinaw na hindi ito protesta kundi krimen.

“Hindi sila repormista kundi bayarang tao na layong manggulo lang,” buwelta ni Goitia. “Hindi hustisya ang habol nila kundi ang pabagsakin ang nakaupong Pangulo. Pero bagsak ang plano nila — hindi sila nagtagumpay.”

Mariing kinondena ni Goitia ang karahasan at iginiit na malinaw na krimeng sedisyon ang ginawa ng mga raliyista. Pinuri rin niya ang hanay ng Philippine National Police (PNP) sa pagpigil sa mas malalang kaguluhan. Aniya, kahit sugatan, nanatiling disiplina at maximum tolerance ang pinairal ng kapulisan. “Matatag silang nanindigan para sa demokrasya, habang ang mga raliyista ay nagbunyag ng tunay nilang kulay — galit at kaguluhan.”

Ibinunyag pa ni Goitia na maging ang kanyang mga volunteer at marshal ay nadamay at ninakawan ng gamit. Nangako siyang hindi pababayaan ang mga biktima. “Mananagot sila sa batas — hindi sa paghihiganti kundi sa tamang proseso ng hustisya,” aniya.

Kasabay nito, nagbigay ng buong suporta si Goitia kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kampanya kontra katiwalian. “Solid kami sa likod ni Pangulong Marcos sa laban para sa mabuti at tapat na pamamahala,” diin niya.

Dagdag pa ni Goitia, ang tunay na panawagan ng taumbayan ay hustisya, transparency, at reporma. “Hindi natin hahayaan na ang mga bayarang anarkista ang manghijack sa tinig ng mamamayan. Hustisya ang mananaig, hindi anarkiya.”

Si Dr. Jose Antonio Goitia ay Chairman Emeritus ng apat na makabayang organisasyon: ABKD, PADER, LIPI, at FDNY Movement.

(JULIET PACOT)

254

Related posts

Leave a Comment