Pagkasibak ni Rep. Zaldy Co bilang chairman ng House appropriations panel ikinatuwa ng netizens

MAYNILA – Tila ipinagbunyi ng mga netizen ang pagkatanggal ni Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co bilang chairman ng House Committee on Appropriations.

Ito’y matapos ipanukala ni Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos na gawing bakante ang puwesto ng appropriations committee chair, na inaprubahan din ni House Speaker Martin Romualdez.

Opisyal na tinanggalan si Co ng kanyang titulo bilang tagapangulo ng komite sa muling pagbubukas ng sesyon Kongreso noong Lunes, January 13, 2025.

Nagbigay rin naman ng pahayag si Co noong Lunes at sinabing kusa niyang binakante ang kanyang posisyon para tutukan ang kalusugan, na tingin ng ilang netizens ay paraan lamang ng mambabatas upang isalba ang sarili sa kahihiyan matapos patalsikin sa puwesto.

Unang naging mainit sa paningin ng ilang mga personalidad si Co sa gitna ng taong 2024 dahil umano sa mga kuwestiyonableng pinaglaanan ng pondo para sa 2025 budget.

“Drama lang Yan Nag resign Mag gamit nanaman sila ng iba para maka iwas sa batikos,” sabi ng isang netizen sa Facebook.

“…bakit nagresign sa komite lng,kung tlgang kalusugan nya ang dahilan dpat sa pagka kongresman sya nagresign,nagresign nga ba o tinanggal,dpat nagresign o baba na din sa pagka speaker yang c tambaloslos,” dagdag pa ng isa.

Itinanggi naman ni Executive Secretary Lucas Bersamin na may kinalaman ang kasalukuyang administrasyon sa pagpapatalsik kay Co sa puwesto.

Sa mga unang buwan ng 2024, nagkasagutan din si Co at si Senator Joel Villanueva, kung saan ipinaalala ng senador ang umano’y kuwestiyonableng track record ng congressman dahil sa pagkakadawit nito sa Pharmally scandal.

57

Related posts

Leave a Comment