Paglaban sa droga ng Marcos admin kulang pa PUBLIKO DAPAT SAFE

SA kabila ng pagtaas o malaking bilang ng ilegal na droga na nasasabat sa mga nakaraang taon, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang estatistika ay hindi sapat maliban na lamang kung makikita at mararamdaman ng publiko ang pagbabago.

“It’s not sufficient that you are safe, you must feel safe,” aniya.

Kaugnay nito, inatasan ng Pangulo ang Philippine National Police (PNP) at Philippine Coast Guard (PCG) na paigtingin ang seguridad sa lahat ng mga pangunahing drug entry points at tiyakin na kaagad sisirain ang mga nakumpiskang ilegal na droga para maiwasan ang pagkalat nito sa mga lansangan.

“Sinabi ko sa Coast Guard at saka PNP, bantayan na ninyo dahil ayokong bumalik sa merkado ‘yan. Sirain na ninyo agad. As quickly as possible,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang pinakabagong podcast na in-ere, araw ng Miyerkoles.

Ang direktiba ng Pangulo ay bahagi ng recalibrated national drug strategy na nakatuon sa pagpapahinto sa narcotics sa source—’ports, coastlines, at iba pang maritime routes’ kung saan ang malaki at dami ng smuggling operations ay batid na nangyayari.

Binigyang-diin pa rin ng Pangulo ang pangangailangan para sa ‘full transparency’ at physical presence ng law enforcement sa panahon ng pagwasak.

“Make sure na nandun kayo para pag sinabing so many tons, ilang tonelada, ‘yan talaga ang nandiyan. Hindi nababawasan. Bilangin ninyo nang husto, tapos buhusan nyo ng gasolina, sunugin na ninyo,” ang sinabi pa rin ng Pangulo.

Ang pahayag ng Pangulo ay matapos na malambat ng mga mangingisda sa Ilocos Norte ang P20.4 milyong halaga ng pinaniniwalaan shabu, kamakailan.

Sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), tatlong pakete ng shabu na may Chinese markings at may timbang na tatlong kilo bawat isa ang natagpuan sa baybayin ng Pangil, Currimao; La Paz, Laoag City; at Masintoc, Paoay.

Isinuko ito ng mga mangingisda sa PDEA Ilocos Norte sa tulong ng Philippine Coast Guard at PNP noong Hunyo 12 at 13.

Kasabay nito, noong Hunyo 10 ay narekober din sa mga lalawigan ng Zambales, Bataan, Ilocos Sur, at Pangasinan ang 66 sako ng shabu na may kabuuang timbang na 1,297.9 kilo at halagang P8.8 bilyon.

Pinuri ni PDEA Director General Isagani Nerez ang mga mangingisda sa kanilang katapatan. “Malaki ang papel ng mamamayan sa pagpigil sa ilegal na droga.

Kailangan natin ng mas marami pang ganyang uri ng mamamayan,” ani pa ni Nerez.

Binigyang-diin ng Pangulo na habang nilalansag ng administrasyon ang big-time syndicates, hindi naman magtatagumpay ang small-scale drug activity sa mga komunidad, nangangailangan ng tinatawag na parallel ground-level interventions.

(CHRISTIAN DALE)

140

Related posts

Leave a Comment