PAGPAPABABA SA PRESYO NG BIGAS, IBA PANG AGRI PRODUCTS ISUSULONG NG ATEACHERS PARTY-LIST

NANGAKO si ATeacher Party-list nominee Virginia Rodriguez na magsusulong ng mga inisyatiba para mapabuti pa ang edukasyon at mapababa ang presyo ng pangunahing bilihin sa bansa kabilang ang bigas at iba pang agricultural products.

Ayon kay Rodriguez, bahagi ng mga programa ng ATeachers Party-list ang paghihikayat na gumamit ng organic fertilizers at pagpapatupad ng modern agricultural techniques.

Si Rodriguez, author ng librong “Leave Nobody Hungry,” ay eksperto sa pagpapababa ng presyo ng pangunahing bilihin bunsod na rin ng kanyang kaalaman sa agricultural output ng bansa. Siya ay negosyante at philanthropist, na naging kauna-unahang Filipina na nagsulong ng cancer-free nation sa pamamagitan ng paglikha ng organic vitamins para makatulong labanan ang sakit na cancer.

Nagtapos si Rodriguez sa University of the Philippines at master’s degree holder mula sa isang American institution. Mayroon siyang malawak na kaalaman sa contemporary techniques at teknolohiya para mapataas ang ani sa palay at mapababa naman ang national import expenditures.

Kamakailan, nag-ikot ang Ateacher sa Luzon kung saan kanilang tinulungan ang mga magsasaka para tumaas ang kanilang produksyon at tinuruan sa paggamit ng organic fertilizers.

“A key focus of our program is to foster job creation and improve livelihoods through the use of organic fertilizers, the modernization of farming practices, and the development of innovative agricultural methods,” ayon kay Rodriguez. Target din ni Rodriguez na mas mapagbuti ang imprastraktura sa bansa at ang mga kalsada patungo sa mga paaralan. Patuloy na umaangat ang A Teacher Party-list sa mga survey habang nalalapit ang May 2025 National and Local Elections.

2

Related posts

Leave a Comment