BAGAMAN suspendido ang plenary session sa mababang kapulungan ng Kongreso, nagtipon ang isang grupo ng mga mambabatas ngayong Lunes upang itulak ang pagpapalit ng kanilang liderato.
Inaasahan nang magkakaroon ng halalan para sa speakership kasunod ng pagtitipon-tipon ng mga kaalyado ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa Quezon City ngayong umaga.
Sa umiikot na kopya ng manifesto, 187 kongresista ang nagpahayag ng kanilang commitment para ideklarang bakante ang speakership post at ihalal si Velasco bilang bagong lider ng Kamara.
Ang naturang bilang ay lagpas sa majority ng 299 na kongresista.
Tinukoy sa manifesto ang Section 13, Rule 3 ng Kamara, na nagsasabing maaring madeklarang bakante ang speakership post kapag hiniling ng mayorya sa pamamagitan ng nominal voting.
“Further, also in accordance with the same Section, we will move to and cast our vote to declare Representative Lord Allan Velasco of Marinduque as Speaker of the House of Representatives of the 18th Congress,” bahagi ng manifesto.
Wala pang komento mula naman sa panig ni Speaker Alan Peter Cayetano.
170
