PAGPASA SA NATIONAL ID PINAMAMADALI

KAILANGANG masubaybayan ng gobyerno ang pagpapatupad ng National ID system sa bansa para mapabilis ang pagtugon sa kalusugan at kalamidad sa hinaharap.

Paliwanag ni Senador Sherwin Gatchalian, ito ay upang maiwasan na maulit ang mga pagkakamali na nagawa sa pagsubaybay sa mga taong pinaghihinalaang may impeksyon sa COVID-19, ayon kay Senador Win Gatchalian.

Ang nasabing batas na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Agosto 2018 ay naglalayong magkaroon ng isang identification card ang bawat Pinoy.

Sinimulan ng pamahalaan ang pilot testing ng National ID noong nakaraang taon na orihinal na itinakda sa Hunyo ngayong taon bago pormal na ilunsad ang proyekto sa Hulyo ng sumunod na taon.

Naalala ni Gatchalian sa isang pagdinig ng Senate Committee on Health na sinusuri ang paghahanda ng gobyerno ng Pilipinas sa pagsiklab ng COVID-19 noong nakaraang Pebrero na inamin ni Department of Health Secretary Francisco Duque na nahihirapan itong masubaybayan ang mga taong COVID-19 patient dahil ang ilan ay hindi kumpleto o maling mga detalye ng contact na nakalista sa airline companies.

“The Philippines may learn from the experiences of Singapore and Taiwan on how these countries harnessed their national IDs in containing the outbreak that is sweeping across the globe. That’s why the government needs to implement the national ID system as soon as possible to ensure that we will be more ready in case of future pandemics,” sabi ni Gatchalian.

“Matagal nang naipasa ang Philippine Identification System Act sa bansa. Napapanahon na upang ito’y gamitin bilang tugon sa mga emergency situations tulad ng krisis na nararanasan natin ngayon,” dagdag pa nito.(noel abuel)

188

Related posts

Leave a Comment