‘SHOOT TO KILL’ SA MGA LALABAG SA ECQ ITINANGGI NI PDU30

duterte12

MARIING itinanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagbigay siya ng kautusan sa mga tagapagpatupad ng batas ng “shoot-to-kill” order laban sa mga taong susuway sa enhanced community quarantine.

“I never said in public ‘shoot-to-kill.’ Period,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Presidential Message, Biyernes ng gabi, Abril 3.

Sa naging paglilinaw ng Pangulo ay sinabi nito na ang sinabi lamang niya sa mga police officer at sundalo ay gumamit ng “strict measures” kapag nalagay sa panganib ang kanilang buhay.

“Pag lumaban ka, ‘pag inilagay mo sa delikado ang buhay ng pulis, barilin mo, patayin mo. ‘Yan ang batas,” ayon sa Pangulo sabay sabing “I do not have the obligation to lie to you,” na ang tinutukoy ay ang sambayanang Filipino.

Nito lamang Miyerkoles ng gabi ay binalaan ng Pangulo ang makakaliwang grupo at ang mga lalabag sa ipinatutupad na lockdown ng pamahalaan dahil sa COVID 19.

“My orders are sa pulis pati military, pati mga barangay na pagka ginulo at nagkaroon ng okasyon na lumaban at ang buhay ninyo ay nalagay sa alanganin, shoot them dead. Naintindihan ninyo? Patay. Eh kaysa mag-gulo kayo diyan, eh ‘di ilibing ko na kayo. Ah ‘yung libing, akin ‘yan. Huwag ninyo subukan ang gobyerno kasi itong gobyerno na ito hindi inutil,” ayon sa Pangulo.
CHRISTIAN DALE

170

Related posts

Leave a Comment