Inilagay ng Senado sa half-mast ang bandila ng Pilipinas bilang pagluluksa at pagrespeto sa pagpanaw ni dating Senate President at Chief Legal Counsel Juan Ponce Enrile, na pumanaw kahapon dakong alas-4 ng hapon sa edad na 101 sa kanilang tahanan. (Danny Bacolod)
NAGBIGAY-PUGAY ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) kay yumaong Juan Ponce Enrile bilang pagkilala sa kanyang kontribusyon sa Department of National Defense, sa Sandatahang Lakas, sa pambansang seguridad at pagpapalakas ng kakayahan ng pulisya.
Sa pangunguna ni Defense Secretary Gilberto Teodoro ay nakiisa ang Department of National Defense sa pagluluksa ng sambayanang Pilipino sa pagpanaw ng longest serving Secretary/Minister of National Defense, Senate President, at Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile.
Sinasabing si Enrile ay isang icon sa defense policy and strategy, at malaki ang naging papel sa paghubog ng isang modern Department of National Defense.
Si Enrile, na namatay noong Huwebes sa edad na 101, ay nagsilbi bilang Kalihim ng Katarungan (1968–1970), Kalihim ng Depensa (1970–1971, 1972–1986), at kalaunan ay Pangulo ng Senado (2008–2013).
Ayon sa AFP, “Across decades of public service, he played a consequential role in the nation’s security and political life. We honor his years of service and the enduring debates about his legacy, which form part of our national history.”
Binanggit naman ni PNP acting chief, Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang mahalagang papel ni Enrile sa professionalization ng pulisya noong panahon na ito ay sakop pa ng AFP, at ang tuloy-tuloy niyang suporta bilang senador at chief presidential legal counsel.
“Manong Johnny will always be part of not only the history of the country’s police force, but also of the history of the Filipinos as a nation,” ani Nartatez.
Ang watawat ng Pilipinas sa DND, AFP Headquarters at PNP sa Camp Crame ay itataas sa kalahating bawag sa Nobyembre 17 bilang paggunita at pagluluksa.
(JESSE RUIZ)
6
