PAGTAAS NG COVID CASES RAMDAM DIN SA IBANG BANSA

HINDI nag-iisa ang Pilipinas sa nakararanas ng pagtaas sa kaso ng COVID-19.

Ito ang pahayag ni Presidential spokesperson Harry Roque sa gitna ng pagsirit ng kaso ng virus na naitatala sa mga nakalipas na araw.

Aniya, ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay bunsod na rin ng bagong variant na mas mabilis ang transmission o pagkahawa.

Posible aniya na nakaramdam na rin ang tao ng pagkapagod sa minimum health standards kaya’t may pagkakataong nakokompromiso ang kalusugan ng mga ito at hindi na nakasusunod pa sa laging paalala na mask, hugas at iwas.

Sa kabila aniya ng lahat nang ito ay maayos namang nama-manage ng pamahalaan ang krisis kaya nasa ika-30 puwesto lang ang Pilipinas kung pag-uusapan aniya ay dami ng naitatalang kaso sa buong mundo. (CHRISTIAN DALE)

169

Related posts

Leave a Comment