PAGTUGON SA SAKUNA TINALAKAY NG OCD

BUNSOD ng sunod-sunod na kalamidad at mga disaster dulot ng mga nagdaang bagyo at serye ng malalakas na paglindol, nagpasya ang Office of Civil Defense na bumalangkas ng mga hakbangin para mapalakas ang pagtugon ng bansa sa mga sakuna.

Isang command conference ang ginanap ng Office of Civil Defense (OCD) sa pangunguna ni Administrator Undersecretary Harold Cabreros, para talakayin ang pagpapalakas ng pagtugon ng pamahalaan sa mga sakuna sa bansa.

Sa nasabing conference, nagbigay si Cabreros ng seven-point resilience agenda kung saan kabilang dito ang pagrerebyu sa operational activities na isinagawa noong mga nakaraan ng ahensya.

Layon ng nasabing pagrerebisa na paghusayin ang kanilang gagawing pagkilos sa susunod bunsod ng naranasang sunod-sunod na mga sakuna nitong mga nakaraang linggo na nagdulot ng malaking pinsala sa mga tao, sa agrikultura, mga kagamitan, at imprastraktura.

Ayon kay Cabreros, layuning paigtingin din ng ahensya ang pakikipag-ugnayan sa mga Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO) at sa iba pang ahensya ng pamahalaan na nasa ilalim ng National Disaster Risk Reduction and Management Council sa panahon ng kalamidad.

Nagbigay rin ng direktiba ang OCD para alamin ang mga naging hamon sa pagtugon sa sakuna para ito ay maisaaayos at agad na masolusyunan sa hinaharap.

(JESSE RUIZ)

24

Related posts

Leave a Comment