Palasyo kampanteng matutugunan ang mga pasyente PINAS ’20TH HIGHEST’ INFECTION SA COVID

KAYANG pangalagaan ng Pilipinas ang mga pasyenteng tinamaan ng coronavirus.

Reaksyon ito ng Malakanyang makaraang maging “20th highest” ang infection caseload sa bansa.

Araw ng Huwebes nang kumpirmahin ng Health department na may 314,079 COVID-19 infections, dahilan para maging “top 20th” ang Pilipinas na may pinakamaraming kaso ng respiratory disease, ayon sa Johns Hopkins University (JHU) coronavirus dashboard.

“With 5,562 deaths, the country’s mortality rate is at around 1.75, “which means that although numbers are up, we are able to take care of those who get severely or critically ill,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

“That’s what I think matters most because in a pandemic, the fear is many of us will die. Some are dying, not as many as other countries, and of course it’s because we have improved our critical care capacity and we have of course, learned from the past. We know how to take care of COVID patients better,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

Sa ulat, may 3.5 milyong Filipino na ang isinailalim ng Pilipinas sa COVID-19 test, tinatayang kalahating buwan simula nang magsimula ang pandemya at naging daan para magpatupad ng iba’t ibang degree ng lockdown

dahilan upang mawalan ng hanapbuhay ang milyong Filipino at nakaladkad ang ekonomiya sa pagbagal ng takbo nito.

Sa kabilang dako, ani Sec. Roque, ang publiko ay maaaring makapagpa-covid test sa halagang P1,750 hanggang P2,000 sa Children’s Medical Hospital, Lung Center, National Kidney and Transplant Institute, at Perpertual Help Medical Center sa Las Piñas.

“I’m appealing to those who received free machines and free testing kits: mahiya naman kayo. Ibinigay na nga sa inyo nang libre tapos kinakana pa n’yo ang taongbayan,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque. (CHRISTIAN DALE)

279

Related posts

Leave a Comment