PALASYO SARADO SA INT’L PROBE VS WAR ON DRUGS

ejk200

(NI BETH JULIAN)

NANANATILING matigas ang Malacanang sa paninindigang hindi papayag na magsagawa ng imbestigasyon ang isang international body kaugnay sa war on drugs ng administrasyong Duterte.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, kahit pa lumalabas sa isang survey na taliwas ang kanilang posisyon sa pananaw ng mayorya ng mga Pilipino ay sarado pa rin sa imbestigasyon ang administrasyon.

Matatandaang base sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS), lumitaw na 60 percent o anim sa 10 Filipino ang naniniwalang hindi dapat pinipigilan ng gobyerno ang imbestigasyon ng isang international body.

“Posible kasing bumase sa pahayag ng mga kritiko ang naging opinyon ng mga sumailalim sa survey,” wika ni Panelo.

Dito ay iginiit ni Panelo na panghihimasok sa soberenya ng Pilipinas ang anumang imbestigasyon sa labas ng bansa dahil gumagana naman ang sistema ng hudikatura sa bansa.

“Sino ba tinatanong mo kundi iyong mga tao dito sa Pilipinas, eh kung naniniwala ka doon sa kabila siyempre ‘yon na rin ang premise mo sa sarili mo,” ayon kay Panelo.

166

Related posts

Leave a Comment