(Ni BERNARD TAGUINOD)
Maaari nang gamitin na dahilan ng isang mag-asawa ang kanilang 5 taong paghihiwalay upang aprubahan ang kanilang annulment.
Ito ay kung makakalusot sa Kongreso ang House Bill 502 na inakda ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na mag-aamyenda sa Family Code of the Philippines.
“Without dwelling on the deeper reasons behind the separation, this bill offers a remedy without opening a Pandora’s box or a can of worms that are usually present during annulment proceedings,” ani Barbers sa kaniyang panukala.
Sa ngayon ay hirap na hirap ang isang mag-asawa na matagal nang hindi nagsasama para ipawalang bisa ang kanilang kasal sa pamamagitan ng annulment na siyang umiiral na batas sa bansa sa kasalukuyan.
Maraming hinaharap na pruweba ang Korte sa isang mag-asawa na gusto nang maghiwalay ng legal bago aprubahan ang annulment case na ihinain ng mga ito kahit matagal na silang hindi nagsasama.
Dahil dito, nais umano ng mambabatas na simplehan na ang mga dahilan o ground ng annulment upang hindi na matali ang mga ito sa isa’t isa kahit wala ng paraan para maayos kanilang pagsasama.
Sapat na aniya ang 5 taon na hindi nagsasama ang mga ito para katigan ng korte ang ihinaing annulment case dahil indikasyon ito na malabo na silang magsama muli sa isang bubungan.
Dahil dito, aamyedahan ang Title I, Chapter 3, ng Executive Order No. 209 o “Family Code of the Philippines” para isingit ang Article 45-A na nagsasabing “A marriage may also be annulled if the parties have been separated in fact for at least five years”.
“Thus, they should be granted the best relief that they can have, annulment. This way, they can go on separate ways peacefully as no other reason is needed to justify the annulment, thus avoid opening old wounds,” paliwanag pa ng kongresista sa kaniyang panukala.
183