PANANABOTAHE SA HALALAN IIMBESTIGAHAN – PNP CHIEF

pnp
HINDI ipagkikibit-balikat ng Philippine National Police (PNP) ang pagsisiwalat ng isang presidential bet hinggil sa umano’y tangkang panggugulo sa nalalapit na halalan sa Mayo.
Pagtitiyak ni PNP chief General Dionardo Carlos, bagamat wala pa silang natatanggap na impormasyon hinggil sa umano’y pananabotahe ng ilang kilalang kaalyado ni Vice President Leni Robredo, mas mainam pa rin na masawata na nila bago pa man maging isang problema.
Partikular na tinukoy ni Carlos ang iniligwak na impormasyon ni independent presidential candidate Ping Lacson hinggil sa umano’y nagbabadyang gulo sakaling matalo si Robredo.
Ani Carlos, makikipag-ugnayan sila kay lacson para makakuha ng iba pang detalyeng makatutulong sa kanilang ilulunsad na imbestigasyon.
“We’ll get the details from Senator Lacson para matignan namin. So far I have here, si Police Major General Valeriano de Leon — he’s monitoring for the elections. Wala naman tayong major reports of ganun,” sambit pa ng PNP chief. (JESSE KABEL)
349

Related posts

Leave a Comment