PANIBAGONG PAGSASADISTRITO NG RIZAL, KASADO SA KONGRESO

FORWARD NOW

APRUBADO na sa ikatlong pagbasa ang panukalang maghahati sa Ikalawang Distrito ng Rizal sa tatlong legislative districts.

Isang positibong hakbang ang pagkakapasa ng House Bill No. 6222 habang kinakaharap natin itong pandemya. “Forward Looking” ika nga. Inihahanda nito ang ating mga nasasakupan sa muling pagbangon ng mga kabuhayan sa mga bayang nasa 2nd District.

Sa benepisyong dala ng redistricting na ito, umaasa tayo na ang nabanggit na panukala ay makalulusot sa pagbusisi ng Senado at lalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lalong madaling panahon.

Inihain natin ang ‘ reapportioning’ upang matiyak o maisulong ang pantay na representasyon para sa ating nasasakupan. Sa kasalukuyan, masyadong malaki ang nasasakupan ng 2nd District.

Gaano man tayo magpursigi na mapaglingkuran ang lahat, may mapag-iiwanan talaga kung magpapatuloy ang current set-up.

Sa ilalim kasi ng kasalukuyang istraktura, ang apat na mambabatas ng Rizal ay kumakatawan sa 2.9 milyon katao o mga nasasakupang kababayan. Isang kinatawan kada 721, 000 katao.

Kung tutuusin, nahuhuli na ang lalawigan ng Rizal sa representasyon kung ihahambing sa ibang probinsya. Ang Pangasinan at Batangas na halos may kaparehong bilang ng populasyon sa Rizal ay kinakatawan ng anim na mambabatas sa kaparehong bilang ng legislative districts.

Ang ikalawang distrito ay mahahati sa tatlong mga distrito. Kapag nagkataon, ang Second Legislative District ng Rizal ay kapalolooban ng mga bayan ng Cardona, Baras, Tanay, Morong, Jala-jala, Pililia at Teresa. Ang bagong ikatlong distrito ay ang buong San Mateo. Ang ikaapat na Legislative District ay ang bayan ng Rodriguez.

Ang karagdagang pondo na darating sa lalawigan ng Rizal mula sa paghahati ng mga distrito ay makatutulong sa buong lalawigan para labanan ang epekto ng kasalukuyang coronavirus pandemic.

Sa ganitong set-up, malaki ang tsansang makababangon tayo.

481

Related posts

Leave a Comment