PANINIKTIK NG MONGOLIAN SA MGA KAMPONG MILITAR, SINISILIP NG PNP

BINIBERIPIKA ngayon ng Philippine National Police (PNP) at Bureau of Immigration (BI) ang umano’y espionage activities ng isang Mongolian national na naaresto sa Zambales at sinasabing may koneksyon sa People’s Liberation Army ng China.

Sa pulong-balitaan sa Kampo Crame, sinabi ni PNP Spokesperson PBGen. Randulf Tuaño na sa ngayon, apat pa lamang na paglabag sa Immigration Law ang kumpirmado laban sa 30-anyos na dayuhan na nag-enroll bilang aviation student sa bansa.

Inaresto ang suspek ng BI matapos umanong hindi tumugma ang kanyang mga aktibidad sa idineklara nitong layunin sa visa.

Pinawi rin ni Tuaño ang pangamba ng publiko at iginiit na patuloy pang bineberipika ang tunay na background ng dayuhan.

Sa paunang imbestigasyon, lumitaw na bukod sa umano’y koneksyon sa Chinese military, namataan din ang suspek sa ilang military facilities sa Zambales.

Nauna nang nagbabala si Eduardo Año sa mga dayuhan na huwag abusuhin ang pagiging bukas ng bansa sa mga bisita at dayuhang estudyante.

(TOTO NABAJA)

7

Related posts

Leave a Comment