INAPRUBAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang panukalang P4.506-trillion national budget para sa taong 2021.
Ito ang kinumpirma ng Department of Budget and Management (DBM).
Ang spending plan para sa susunod na taon ay 9.9% na mas mataas sa P4.1 trillion budget para sa taong 2020, at may katumbas na 21.8% sa gross domestic product ng bansa.
Layon nito na panatilihin ang pagsisikap ng pamahalaan laban sa COVID-19 sa pamamagitan ng pagpapahusay sa healthcare system, tiyakin ang food security, dagdagan ang investments sa public
at digital infrastructure at tulungan ang komunidad na makayanan at manaig sa hamon ng buhay dahil sa pandemya.
Ayon sa DBM, inaprubahan ng Pangulo ang panukalang budget noong nakaraang Huwebes, Hulyo 30.
Ang 2021 National Expenditure Program (NEP) at iba pang budget documents ay nakatakdang isumite sa Kongreso bago ang 30-day Constitutional deadline. (CHRISTIAN DALE)
177
