PANUKALANG SALARY STANDARDIZATION NI ATTY. RODRIGUEZ, SAGOT SA MM CONGESTION

PUNA ni JOEL O. AMONGO

HINDI lang ang kumakalam na sikmura ng mga Pinoy, ang mabibigyan ng solusyon ng isinususulong na SALARY STANDARDIZATION ni former Executive Secretary (ES) Atty. Vic Rodriguez kundi maging ang problema sa sobrang dami ng mga tao sa Metro Manila.

Hindi na kailangan pang magkaroon ng programang Balik Probinsiya para gumastos ang gobyerno para pauwiin at mabawasan ng mga taga-probinsiya ang MM.

Sa programang “Ikaw Na Ba” ng Super Radyo DZBB ng GMA 7, inilutang ni Atty. Rodriguez ang pagbuwag sa Regional Wage Board para magkaroon ng pagkakapantay-pantay sa kita ang lahat ng mga manggagawa.

Nais niyang maging pare-parehas ang sweldo sa Metro Manila at sa mga lalawigan. Kung ang minimum wage sa MM ay P610, ay ganoon din ang magiging arawang sahod sa mga probinsiya.

Ayon pa sa kanya, hindi totoo na mas mura ang pamumuhay sa mga lalawigan kung ikukumpara sa MM, sa katunayan mas mahal ang mga bilihan sa mga probinsiya.

Inihalimbawa pa niya ang presyo ng mga produktong petrolyo, delata at iba pang pangunahing pangangailan ng mamamayan, dahil ang mga ito ay nanggagaling pa sa Metro Manila kung saan matatagpuan ang mga pagawaan at imbakan nito.

Aniya, maging ang populasyon sa MM ay mababawasan dahil hindi na kailangan pang magtungo ng mga taga-probinsiya sa National Capital Region para lang magtrabaho dahil magkakaroon na rin sila ng pantay na sweldo sa mga lalawigan.

Kung magkagayon, maikakalat na rin ang mga pagawaan o mga pabrika sa mga lalawigan at hindi na magiging problema ng gobyerno na nagsisiksikan ang mga ito sa Metro Manila.

Mababawasan din ang matagal nang sakit ng ulo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na matinding trapik sa MM.

Kasabay n’yan, mababawasan na rin ang sobrang trapik sa Metro Manila na bilyong piso ang nasasayang dahil sa epekto nito.

Magkakaroon din ng katuparan ang deka-dekada nang ipinaglalaban ng sektor ng mga manggagawa na pagkakapantay-pantay ng sweldo sa MM at probinsiya.

Nais din ni Atty. Rodriguez na maibaba ang “threshold” ng kasong plunder, mula sa P50-M ay gagawin niyang P5-M na lang.

Hala lagot ang mga magna! Magna na sa mga paaralan na kanilang pinanggalingan, pati ba naman sa pondo ng taumbayan ay magna pa rin sila!

Ayon pa sa kanya, wala namang mahirap na makapagnanakaw ng P5 milyon, kundi mayayaman lang na nakapwesto sa mga opisina ng gobyerno. Kaya hindi masasabing anti-poor ang kanyang panukala.

Ang sobrang nakawan ngayon ang siyang dahilan ng kahirapan na ang pangunahing apektado ay ang ordinaryong mga Pilipino.

Si Atty. Rodriguez ang nag-iisang tumatakbong senador na nangangarap at nagsusulong para sa kabutihan ng mga ordinaryong Pilipino.

Siya rin ang nag-iisang tumatakbong senador na tinanggap ang hamon na pamunuan ang tunay na MAISUG na oposisyon.

oOo

Para sa sumbong at suhestiyon, mag-email sa operarioj45@gmail.com.

38

Related posts

Leave a Comment