‘PAPA PI’ INENDORSO SI BAM, SUMAMA SA MOTORCADE

NADAGDAG ang aktor na si Piolo “Papa Pi” Pascual sa mga artistang nag-iendorso sa kandidatura ni dating senador at independent senatorial candidate Bam Aquino.

Kahapon (Linggo), sumama si Pascual sa motorcade ni Aquino sa ilang parte ng Metro Manila, kabilang ang Mandaluyong at Cubao, Quezon City.

Nakasama rin ni Aquino ang aktres na sina Iza Calzado, na kilala sa pagganap niya bilang “Darna”, at Bea Binene sa Mandaluyong, Quezon City, at Valenzuela.

Bago nagsimula ang motorcade, pinagtibay nina Pascual, Calzado, at Binene ang endorsement kay Aquino sa pamamagitan ng pag-flash ng No. 5 sign, ang numero ng dating Senador sa balota.

Noong umaga, sina Aquino at Binene ang nag-ikot sa Muntinlupa, Las Piñas, at Pasay kasama ang mga influencer na sina Kerwin King, Zion Aguirre, Gabe Pineda, Niño San Jose, Andrea Guevarra, Andrei Hermida, at Damien Villaflor.

Inendorso rin ni Pascual si dating Vice President Leni Robredo nang tumakbo itong pangulo noong 2022.

6

Related posts

Leave a Comment