Para hindi makapagbenta ng fire extinguisher BFP INSPECTORS PINAGSUSUOT NG BODY CAMS

PINAOOBLIGA ng Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong Lunes na magsuot ng body camera ang lahat ng inspector mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) simula 2026. Layunin nito na maiwasan ang umano’y ilegal na pagbebenta at pag-endorso ng mga fire extinguisher.

“Ngayon, may memorandum circular na kami. Starting next year, nagpa-requisition ako ng 5,000 body cams. Tapos magkaka-system kami. Kasi ‘yung mga fire inspector natin, napaka-notorious sa pagbenta ng fire extinguisher,” ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla sa isang panayam.

Dagdag pa niya, “Kung may mag-complain, makikita namin kung ano ang usapan nila.”

Bilang halimbawa, binanggit ni Remulla ang reklamo ng Italian Embassy matapos umanong pilitin ng isang fire inspector sa Taguig City na bumili ng partikular na brand ng fire extinguisher.

“Katulad noong isang araw lang, ambassador ng Italy, nag-complain sa akin. Pumasok sa opisina ng consular office ng Italy. Sinabi ng fire inspector ng Taguig, ‘This is not the brand that we recommend para sa fire extinguisher.’ Mali naman ‘yun. Standards lang kasi ang sinusunod, hindi brand,” giit ng kalihim.

(PAOLO SANTOS)

60

Related posts

Leave a Comment