(CHRISTIAN DALE)
MAAARING i-explore ng Pilipinas ang estratehiya na ginamit sa paglagda sa 2014 sea border agreement sa Indonesia para maplantsa ang long-standing maritime dispute sa China sa West Philippine Sea (WPS).
Ang kasunduan na unang tinintahan noong 2014 makaraan ang dalawang dekadang negosasyon, ang nagtakda ng exclusive economic zone (EEZ) borders sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia sa Mindanao at Celebes seas.
“Well, I think it is worthwhile to explore at the very least because it is one instance that this kind of discussion, we came to a conclusion and we came to a resolution. So, we should try it,” ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang press briefing sa Fairmont Hotel, Jakarta.
Noong Linggo, nakipagkita si Pangulong Marcos sa Filipino community sa Jakarta para sa kick-off ng kanyang inaugural state visit sa Indonesia.
Nagdaos naman ng bilateral meeting ang Pangulo kasama ang kanyang delegasyon sa Indonesian officials bukod pa sa idinaos na roundtable discussion sa Indonesian business leaders at investors, araw naman ng Lunes.
Umaasa si Pangulong Marcos na ang kahalintulad na estratehiya ay gagana subalit maaari ring gamitin ang iba pang plano kapag nabigo ito.
Aniya, ang kanyang interest sa delimitation talks sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia ang nagtulak sa kanya para isipin na maaari itong i-apply sa pag-aayos sa “territorial disputes” sa ibang bansa.
152