NAGSASAGAWA ng pagsasanay ang mga piling tauhan ng PNP- Police Regional Office 5, na pinamumunuan ni Director Jonnel C. Estomo, bilang paghahanda ng PNP Bicol sa nalalapit na May 2022 election.
Ayon kay Bicol PNP chief, P/BGen. Estomo, may 231 tauhan ng Police Regional Office 5 na kabilang sa Regional Headquarters Unit-Reactionary Standby Support Force (RHQ-RSSF), ang kasalukuyang sumasailalim sa pagsasanay upang mas hasain ang kanilang kapasidad at siguraduhin ang kahandaan para sa nalalapit na Halalan sa Mayo 9, 2022.
Ang pagsasanay ay nahati sa apat na kategorya, ito ay ang Search and Rescue Operation; Emergency Medical Response; Response to Active Shooter; at Crowd Management. Ito ay nagsimula noong Abril 7, 2022 at nakatakdang matapos sa Abril 29, 2022.
Ang pagsasanay na ito ay pagtugon at pagsuporta ng PNP Bicol sa pangunguna ni P/BGen. Estomo, sa ibinabang direktiba ng PNP NHQ, sa pamumuno ni P/Gen. Dionardo B. Carlos, PNP chief,
Ang PNP Bicol, katuwang ng Commission on Elections Regional Office 5, ay sinasanay rin sa pagpapatupad ng panuntunan at batas na naglalayong maggarantiya sa bawat Bicolano ng isang tapat, maayos at payapang pagboto. (JESSE KABEL)
![](https://saksingayon.com/wp-content/plugins/dp-post-views/images/eyes.png)