PARATANG VS CHIZ, GUMUHO SA EBIDENSYA

CLICKBAIT ni JO BARLIZO

IBINASURA ng Commission on Elections (COMELEC) ang reklamo laban kay Senator Francis “Chiz” Escudero, at kasabay nito ang pagbuhos ng suporta mula sa mga iginagalang na eksperto sa batas.

Ayon sa dating mahistrado ng Supreme Court na si Justice Adolfo Azcuna, walang sapat na bigat ang ebidensyang iniharap kaya’t makatarungan lamang ang naging pasya pabor kay Escudero.

Para naman kay election lawyer Romulo Macalintal, malinaw umanong walang nilabag na batas sa campaign finance ang mga alegasyon. Aniya, ang ganitong usapin ay dapat nauunawaan ng sinomang bihasa sa corporate at election laws.

Idinagdag pa ni legal explainer Regal Oliva na ang naging batayan ng reklamo ay isang ordinaryong transaksyon na hindi maituturing na ilegal. Kaya’t hindi na rin nakapagtataka ang naging desisyon ng COMELEC na tuluyang ibasura ang kaso.

Sa mas malawak na pagtingin, ang isyung ito ay lumilitaw na bahagi lamang ng isang planadong paninira o demolition job laban kay Escudero.

Matatandaan na si Escudero ang isa sa mga unang nagbunyag ng anomalya sa national budget, mula sa kahina-hinalang insertions hanggang sa mga manipulasyon sa pagbalangkas ng badyet. Ang mga rebelasyong ito ang naglantad sa tunay na may hawak ng pondo, kaya’t natural lamang na siya ay maging target.

Hindi ito bagong taktika sa pulitika. Gaya ng nangyari kay Orly Guteza, na una’y binalewala ng Senate Blue Ribbon Committee, ngunit kalaunan ay kinilalang mahalaga ang testimonya ng Department of Public Works and Highways sa rekomendasyon ng pagsasampa ng kaso laban sa mga makapangyarihang opisyal.

Ngayon, tila inuulit kay Chiz ang parehong senaryo. Ngunit habang umiigting ang pagsusuri ng publiko, mas tumitibay ang isang katotohanan: ang kasinungalingan ay may hangganan, ngunit ang katotohanan, sa huli, laging nangingibabaw.

88

Related posts

Leave a Comment