GOOD news sa mga motorista! May malakihang bawas-presyo na inaasahang ipatutupad ng mga kumpanya ng langis sa susunod na linggo, lalo na sa diesel at kerosene.
Ayon kay Atty. Rino Abad, director ng Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy (DOE), base sa unang apat na araw ng trading, posible ang P3 hanggang P3.20 pagbaba kada litro ng diesel, habang halos kapareho ang tapyas sa kerosene.
“May rollback po tayo ng lahat ng produktong petrolyo… sa diesel po ay nasa P3 at pwede pang umabot sa P3.20,” ayon kay Abad.
Samantala, ang gasolina ay may P0.30 hanggang P0.40 lang na bawas kada litro.
Ang inaasahang rollback ay bunga ng tigil-putukan sa pagitan ng Ukraine at Russia at posibleng oversupply ng langis sa global market.
(CHAI JULIAN)
48
