PARING RIDER PATAY SA SALPOK NG SUV

EASTERN SAMAR – Nasawi ang isang pari nang ang kanyang minamanehong motorsiklo ay masalpok ng kasalubong na SUV sa kurbadang kalsada sa Barangay Naubay, sa bayan ng Llorente sa lalawigan noong Miyerkoles ng umaga.

Idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktimang si Father “Alex”, 66-anyos, ng Parish of St. Roch the Healer, sa Maydolong, Eastern Samar, sakop ng Dioceses ng Borongan.

Ayon sa report, dakong alas-8:45 ng umaga, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo patungo sa bayan ng Quinapondan ngunit pagsapit sa matalim na kurbada ay nasalpok ito ng kasalubong na SUV na minamaneho ng isang 40-anyos na babaeng driver.

Sa lakas ng impact, nakaladkad ang motorsiklo papunta sa railings at tumalsik ang pari at bumagsak sa kalsada. Sugatan din ang driver ng SUV na isinugod sa ospital.

Nakatakdang kasuhan ng reckless imprudence resulting in homicide ang babaeng driver ng SUV. (NILOU DEL CARMEN)

39

Related posts

Leave a Comment