TERMINO NI MARBIL SA PNP POSIBLENG PALAWIGIN

POSIBLENG palawigin ang termino ni Philippine National Police chief General Rommel Francisco Marbil dahil sa magaganap na May 12, 2025 midterm election.

Ipinahihiwatig ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na posibleng pahabain pa ang termino ni Marbil bilang PNP chief ng hanggang apat na buwan.

Ayon kay Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, may mga indikasyon na mapalawig pa ang termino ni Marbil, bagaman wala pang inilalabas na pahayag mula kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“From all indications ma-extend siya but there is no official word yet from the President,” ani Remulla.

“That’s the biggest reason I think it’s the midterm elections dahil you cannot shake things up now, mag-uumpisa na yung campaign period din,” paliwanag ng kalihim.

Si Gen Marbil, miyembro ng Philippine Military Academy Sambisig Class of 1991 ay nahirang para pamunuan ang mahigit 220 thousand strong PNP noong Abril 1, 2024, at inaasahang bababa sa kanyang pwesto sa darating na Pebrero 7, 2025 pagsapit nito sa kanyang mandatory retirement age na 56-anyos.

Isa sa mga pangunahing isinusulong ni Marbil ang professionalism sa kanilang hanay, paglilinis sa mga tiwali sa loob ng police organization at bloodless anti-drug campaign.

Sinasabing “Unforgiving” para kay Gen Marbil ang pagkakasangkot ng kapulisan sa katiwalian gaya ng ilang pulis na nadawit sa kontrobersyal na 990 kilo drug raid sa Maynila noong 2022.

Ayon kay PNP Spox at PRO3 RD PBGen. Jean Fajardo, bukod sa utos na siguraduhing maisisilbi ang warrants of arrest sa mga aktibong pulis na sangkot, tiniyak din ni Gen. Marbil na madi-dismiss ang mga ito sa serbisyo. (JESSE KABEL RUIZ)

63

Related posts

Leave a Comment