(NI DANG SAMSON-GARCIA)
INIREKOMENDA ni Senador Sonny Angara na buhayin at gamitin ang Pasig River bilang nautical road na posibleng magsisilbing solusyon sa matinding trapiko sa Metro Manila.
“I think the first order of business is to make the ferry system financially buoyant again,” saad ni Angara.
Sinabi ni Angara na malinaw na hindi sapat ang ipinapanukalang P74 milyong subsibdiya para sa Metro Manila Development Authority (MMDA) sa pagpapatakbo ng ferry na 15-kilometer service route nito.
“We are open to increasing the subsidy if the MMDA can submit a program on where the additional subsidy would be spent,” diin ni Angara.
Pinuna rin ni Angara ang tila pagbalewala ng MMDA sa paggamit sa maritime highway na mas malawak pa sa EDSA.
Binigyang-diin pa ng senador na ang panukalang budget para sa Pasig Ferry ay katumbas lang ng limang araw na subsidiya sa MRT 3 operations.
“Yang 74 million pesos na proposed subsidy for 2020, may nakapagsabi na limang kilometro lang ‘yan ng asphalt overlay sa isang lane ng EDSA,” diin ni Angara.
Ipinaliwanag ng senador na upang mabuhay ang Pasig Ferry service dapat magkaroon ng masterplan na may taunang expansion, funding at performance target.
“We can pursue the modernization in annual installments,”diin ni Angara.
177