‘SARA, SARA LABANDERA’ CHANT UMALINGAWNGAW SA PROTESTA

MULING umalingawngaw ang chant na “Sara, Sara Labandera” sa protesta sa labas ng Senado, kung saan nanawagan ang mga raliyista na hatulang guilty si Vice President Sara Duterte sa nagpapatuloy na impeachment trial kaugnay ng mga alegasyon ng unexplained wealth.

Tinatayang 12,500 katao ang lumahok sa protesta sa Jose W. Diokno Boulevard, ayon sa Akbayan Party-list, isa sa mga nag-organisa ng demonstrasyon.

Sa bilang ng mga organizer, humigit-kumulang 2,500 ang mula sa Akbayan, habang 10,000 naman ang kinatawan ng iba pang civil society groups.

Kabilang sa mga lumahok ang Akbayan at Mamamayang Liberal Party-list, gayundin ang iba’t ibang youth groups at civil society organizations na nanawagang panagutin si Duterte sa mga alegasyon hinggil sa kanyang yaman.

Muling inawit ng mga raliyista ang katutubong awiting “Gloria Gloria Labandera,” ngunit pinalitan ang pangalan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng “Sara” sa lyrics upang batikusin ang Bise Presidente kaugnay ng mga alegasyon ng unexplained wealth.

Ang chant ay dati nang ginagamit sa mga protesta laban kay Arroyo, na itinuturing namang political mentor ni Duterte.

Naganap ang demonstrasyon habang nagpapatuloy ang impeachment proceedings sa Senado, kung saan inilalahad ng House prosecution ang mga financial records at testimonya bilang ebidensya upang suportahan ang mga paratang laban sa Bise Presidente.

(TINA MENDOZA)

83

Related posts

Leave a Comment