PASTILLAS PART 2?

BISTADOR Ni RUDY SIM

PUMALAG ang mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa NAIA partikular ang Immigration officers, sa umano’y patuloy na pananamantala ng ilang hi-ranking officials sa kanilang kapangyarihan kahit na mahigpit na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na labanan ang korapsyon sa ahensya matapos ang kontrobersyal na Pastillas scheme.

Ayon sa ating nakalap na sumbong, nais umano nilang iparating sa pangulo ang patuloy na pagdagsa sa bansa ng mga Vietnamese national na kinukurakot ng ilang BI officials, sa pamamagitan ng dating kalakaran sa Pastillas na hinihi­ngian ng P10K kada ulo ang mga Chinese upang hindi na dumaan sa matinding pagsala kung nararapat ba itong papasukin sa bansa o hindi.

Matapos na pumutok ang raket sa mga Chinese ay naging suki naman ngayon umano ang mga Vietnamese na halos 900 katao ang dumarating sa airport kada tatlong shift ng Immigration officers, galing Vietnam na mina­maniobra ng ilang ­malalaking travel agencies na siyang nag-supply ng mga pasahero at nagtitimbre ng mga pangalan ng mga pasahero?

Aba tignan mo nga naman, talagang instant milyonaryo ang mga kumag, sa 900 katao ay aabot sa P9 milyon ang mapupunta sa mga bulsa ng mga ito.

Sino kaya itong mataas na opisyal ng BI ang nagbigay pahintulot na magparating sa bansa ng mga Vietnamese? Hindi ba’t ang opisyal na ito ay siya rin ang naglagay sa isang mataas na opisyal sa airport na dati naman nitong iniimbestigahan matapos masangkot sa isang katiwalian sa Clark airport?

Hmm… akala ko ba ­naglilinis kayo? Oh baka naman ang ­nililinis n’yo lamang ay iyong ­maliliit na IO na ayaw sumunod sa inyong maling gawain?

Matapos umanong kumita si Mr. official sa tatlong pangunahing terminal sa airport ay agad naman itong nagwawaldas ng salapi sa mga Class A na bebot sa isang eksklusibong night club na marami sa mga parokyano rito ay mga American national?

Wow! Tingnan mo nga naman, talagang sinusulit ng kumag ang kanyang natitirang oras sa kanyang kapangyarihan upang payamanin ang sarili. Ayon pa sa ating source, kung si Mr. Official ay nagpapasarap sa makikinis at malulusog na murang katawan ng mga bebot ay kabaliktaran naman ito sa hilig ng kanyang amo na mahilig naman sa malalaki ang katawan at macho?

Hmm… buhay na naman si Adonis dahil sa isang korap na BI official na mahilig lumuhod kay Adan.

Alam kaya at may basbas ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Remulla ang nangyayari ngayon sa airport na ginagawang gatasan ng ilang BI Officials ang pagbuhos sa bansa ng mga Vietnamese national na pinaniniwalaang produkto ng POGO at prostitusyon?

(ANG mga ipinapahayag sa kolum na ito ay ­sariling opinyon ng sumulat at hindi ­saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)

292

Related posts

Leave a Comment