BAGAMAT nakapagtala na ng mas mababang bilang ng ng mga pasyenteng positibo sa nakamamatay na COVID-19 kumpara sa nakaraang dalawang linggo, nananatili namang puno pa rin ang Intensive Care Unit (ICU) ng Philippine General Hospital (PGH).
Pag-amin ni Dr. Jonas del Rosario na tumatayong tagapagsalita ng PGH, nasa critical level pa rin ang kanilang pagamutan, lalo pa’t 237 pang pasyenteng positibo ang nasa kanilang pangangalaga.
Aniya, nasa 75% pa rin ang kanilang occupancy rate, at marami aniya sa kanilang mga pasyente ay nasa kritikal na kondisyon – dahilan kung bakit laging puno ang kanilang ICU wards.
“That’s roughly about 75% occupancy. But we still have a lot of patients who are severely and critically ill, which makes our ICU beds always full,” ani del Rosario.
Gayunpaman, hindi na umano tulad ng dati ang tagpo sa kanilang emergency room.
“One good thing about the situation now is the emergency room is not teeming with patients. And so they come in, they can be seen in the ER or at least be stabilized. Before, they were not even allowed to go to the ER.”
“The only limitation that we have is the ICU are still quite full. And so those who are critical or severely ill who might need intubation or high flow oxygen might need to wait a little longer,” saad pa ng tagapagsalita, kasabay ng pahayag ng pag-asang patuloy bababa ang bilang ng pasyente.
“We are able to manage much better now compared to what we were experiencing two weeks ago. We are hoping that the numbers will progressively decrease because as long as we have more than 200 patients in PGH, our healthcare workers are usually tied up in the COVID operations,” pahabol pa ni del Rosario. (RENE CRISOSTOMO)
236 