PBA 3×3 opening, tuloy! GOVERNORS CUP MAAANTALA

Ni ANN ENCARNACION

TULOY ang 13 teams-PBA 3×3 simula bukas (Sabado) sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ngunit posibleng maantala ang 2021 Governors’ Cup, na nakatakdang magsimula sa ­Nobyembre 28, ayon mismo kay PBA commissioner Willie.

Pag-amin ni Marcial, maraming imports ang hindi pa dumarating sa bansa kaya’t malamang ay sa Disyembre na makapagsimula ang second conference.

“Kailangan kumpleto ‘yung imports bago natin simulan,” ayon sa league commissioner.

Sa kasalukuyan, limang ­imports pa lamang sa kabuuang 12 ang nasa Pilipinas na. Sila ay sina Olu Ashaolu ng Alaska, Brendan Brown ng San Miguel Beer, KJ McDaniels ng NLEX, Cameron Forte ng NorthPort, at Antonio Hester ng Terrafirma.

Hinihintay pa ng TNT ang ­import nitong si McKenzie Moore, Shabazz Muhammad para sa Meralco, Jaylen Bond sa Blackwater, Mike Harris sa Magnolia, Paul Harris sa Phoenix, Henry Walker sa Rain or Shine, at Justin Brownlee sa Ginebra.

Paliwanag ni Marcial, pina-process pa ang papeles ng ibang imports. “Tapos pagdating dito magka-quarantine pa ng 10 days…mag-practice pa sila”

Kaya mas malamang ma-move sa Disyembre ang ­opening ng Governors’ Cup ani Marcial. “Palagay ko, first week ng December.”

95

Related posts

Leave a Comment