PBA 3×3 Third Conference MERALCO, LEG 2 CHAMP

NAUNGUSAN ng Meralco Bolts 3×3 ang Cavitex, 18-17, upang pagharian ang Leg 2 ng PBA 3×3 Third Conference.

Naipasok ni Bolts’ Dexter Maiquez ang game-winning two-pointer upang maitakas ang panalo sa kabila ng pagkawala ni Mclean Sabellina dahil sa knee injury.

Unang beses nakapasok ang Braves sa leg final at mukhang masusungkit ang titulo matapos maisyut ni Prince Rivero ang two-pointer para sa 16-11 lead.

Ngunit naibaba ng layup ni Alfred Batino ang kalamangan sa apat, nasundan pa ng back-to-back two-pointers ni Joseph Sedurifa upang itabla ang iskor sa, 18.8 segundo ang nalalabi sa laro.

Muling umangat ang Braves sa overtime, 17-16, nang pumasok ang layup ni Bong Galanza. Subalit muli silang naisahan ng Bolts, wagi ng P100,000 habang ang runner-up Cavitex ay nag-uwi ng P50,000. (VT ROMANO)

271

Related posts

Leave a Comment