‘PBB OTSO’: MAY MAGKA-‘COME OUT’ KAYA ULIT?

bromance12

I SAY(NI RK VILLACORTA)

SABI ko na nga ba. Ang hindi napapansin ng karamihan ay pansin kaagad ng iilan.
Ito marahil ang dahilan kung bakit biglang nawala ang yakapan-lambingan ng “PBB Otso” housemates na sina Sky Something at Gino Something.

May nag-capture ng lambingan scene ng dalawa na nai-post sa isang chat group. Pinagpiyestahan ito ng mga malisyoso, and after a few hours na naka-post online ay bigla itong nawala – rason para ma­ging hot topic ito.

Pansin ng isang fan na nakatutok sa realty show ng Kapamilya Network, may “something” na namumuo between Sky at Gino.

Puna ng isang netizen, nagiging super close na ang dalawa na kung bibigyan mo ng ibang interpretation ang pagiging “touchy” ng dalawa sa isa’t isa, you will think na may “bromance” sa loob ng bahay.

The fact na uso naman ang man-to-man relationships and it’s tolerated by society, personally ay okey lang sa akin. I’m happy for Sky and Gino and will support them.

Millennials and the LGBTQ community will accept them wholeheartedly.

Kung sa mga susunod na mga eksena sa loob ng bahay ay may dadapo na “paraluman” – ‘yung butterfly na senyales na hinintay ng dating si Rustom Padilla (now known as BB Gandanghari na all out tranny na); para mag-come-out siya from the closet para magpakatotoo, it’s fine with me.

TNT BOYS, DAPAT NA NGA BANG PALITAN ANG PANGALAN?

Dahil June is Pride Month, happy ako kung ang pa-tweetums na trio na TNT boys ay maging happy sa magiging desisyon nila sa buhay sa mga darating na panahon. The trio is composed of Francis Concepcion, Mackie Empuerto at Kiefer Sanchez.

Mga “Little Bro” na mga biri­tera talents ng ABS-CBN na minsan sa pagiging chikadora ni Vice Ganda, nag-suggest siya na palitan ang showbiz name ng tatlo na from TNT Boys to TNT Kids. Noong una ay hindi ko agad na-pickup ang point ni VG.

Now I get it. Mas naiintindihan ko na kung bakit dapat magpalit ng pangalan ang trio.

May punto si Vice, na all-out supporter ng mga LGBTQ communities.

Sa ngayon, bukod sa pagi­ging busy ng tatlo sa iba’t ibang showbiz commitments, pursigido pa rin sila na makatapos ng kanilang pag-aaral.

Francis wants to be a doctor; Mackie wants to pursue a career in showbiz like making movies at si Kiefer naman gustong maging civil engineer.

Recently, the three guested again sa show ni Ellen Degeneres sa US at nakaka-proud ang tatlo.

For me, kung ano man ang magiging “sila” in the near future, ang mahalaga ay lumaki ang mga “Little Bro” ni Vice Ganda na mabubuting mga tao.

 

248

Related posts

Leave a Comment