PBBM HINDI PABOR SA PAGGAMIT NG FOREIGN RESERVES PARA DEPENSAHAN ANG PISO

HINDI pabor si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gamitin ang foreign reserves ng bansa upang suportahan ang piso laban sa dolyar sa gitna ng pandaigdigang volatility.

Sa panayam ng Bloomberg, sinabi ng Pangulo na may limitasyon ang kakayahan ng gobyerno na impluwensyahan ang palitan ng piso, lalo na’t hindi nito kontrolado ang galaw ng dolyar sa gitna ng tensyon sa Gitnang Silangan.

Nauna rito, bahagyang nakabawi ang piso at nagsara sa P59.95 kada dolyar noong Martes, matapos maabot ang pinakamababang antas sa kasaysayan sa nakaraang araw.

Inihayag din ng Pangulo ang posibilidad na maapektuhan ang operasyon ng mga lokal na airline dahil sa kakulangan ng jet fuel, bunsod ng problema sa suplay sa pandaigdigang merkado.

Ayon sa kanya, may ilang bansa na ang nag-abiso na maaaring hindi nila matugunan ang fuel requirements ng aviation sector.

Sa hiwalay na ulat, inanunsyo ng Cebu Pacific ang pagbabawas ng ilang flight bilang tugon sa tumataas na presyo ng langis.

(CHRISTIAN DALE)

48

Related posts

Leave a Comment