PBBM KINUMPIRMA PAGBIBITIW NI AGUDA; LINO CAYETANO, PAPALIT KAY DAVE GOMEZ SA PCO

KINUMPIRMA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tinanggap na ng Malacañang ang pagbibitiw sa puwesto ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Henry Aguda, kasabay ng pagsasabing mabigat para sa kanya ang naturang desisyon.

Sa isang kapihan sa media, sinabi ni Marcos na hindi naging madali ang pagtanggap sa resignation ni Aguda, lalo’t iniimbestigahan ito ng Office of the Ombudsman kaugnay ng umano’y mga ghost connectivity project.

Ang imbestigasyon ay isinasagawa ng tanggapan ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla.

Samantala, inihayag din ng Pangulo na papalitan ni PTV-4 General Manager Lino Cayetano si Acting Presidential Communications Secretary Dave Gomez sa Presidential Communications Office (PCO).

Kasunod ito ng pagkaka-bypass kay Gomez ng Commission on Appointments (CA).

Natanong din si Marcos hinggil sa usap-usapang pagbabalik ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon sa Department of Transportation (DOTr), ngunit maikli ang naging tugon ng Pangulo.

“Right now, it’s a no,” ani Marcos.

(CHRISTIAN DALE)

114

Related posts

Leave a Comment