PINUNA ni Senador Erwin Tulfo ang probisyon ng Republic Act 4566 o Contractors’ License Law na nagtatakda na tanging mga kontratista ang maaaring maupo bilang miyembro ng Philippine Contractors Accreditation Board (PCAB).
Ayon kay Tulfo, malinaw na may conflict of interest dahil mismong mga kontratista ang nakaupo at siyang nagbabantay sa pagpapatupad ng mga proyekto ng konstruksyon. “Paano nila
mababantayan at mare-regulate kung maayos, hindi substandard, o walang ghost project kung sila rin mismo ang mga kontratista nito?” tanong ng senador.
Ihahain ni Tulfo ngayong Lunes, Setyembre 8, ang isang resolusyon upang repasuhin at amyendahan ang nasabing batas, partikular ang kwalipikasyon para sa mga opisyal ng PCAB.
“Hindi ko maisip kung bakit naipasa ang batas na ito gayong self-serving ang ilang probisyon nito tulad ng qualification ng board of directors”, anang Senador.
Kabilang sa mga dating opisyal ng PCAB ang ilang nakakuha ng malalaking kontrata sa gobyerno gaya nina Engr. Erni Baggao at Arthur Escalante. Ang dating chairman na si Pericles Dakay ay contractor din bago nasibak sa puwesto.
139
