PCOO kinalampag ang PNP FAKE NEWS KALAT PA RIN

MAKIKIPAG-UGNAYAN si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa pamunuan ng PNP kaugnay ng ginagawa nitong pagtugis sa mga
nagpapakalat ng pekeng balita sa gitna ng problema sa COVID 19.

Sinabi ni Sec. Andanar na kanyang kakausapin si PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac upang makahingi ng update sa mga hakbang ng Anti-Cybercrime Division ng PNP
laban sa mga nagpapakalat ng disimpormasyon na naghahasik ng takot at pagkaalarma sa publiko.

Binigyang-diin ng Kalihim na gaya ng sinabi ni PNP Chief General Archie Gamboa, ay dapat lang na mahuli ang mga nagpapakalat ng fake news na ang ibinubunga ay
pagkataranta sa lahat.

Una nang nagpahayag si Cabinet Secretary at IATF spokesman Karlo Alexei Noggrales na ipapataw ng pamahalaan ang maximum penalty sa mga mapatutunayang nasa likod ng
fake news sa mga panahong umiiral ang state of calamity sa bansa. CHRISTIAN DALE

178

Related posts

Leave a Comment