PDEA, BOC BOKYA SA NI-RAID NA SHABU LAB SA CALOOCAN

WALANG nahuli ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bureau of Customs (BOC) nang salakayin ang isang umano’y “kitchen type” na laboratoryo ng shabu sa Caloocan City.

Gayunpaman, nasamsam ang mga inangkat na kemikal, sangkap at kagamitan sa paggawa ng shabu sa isinagawang raid sa nasabing laboratoryo sa Libis Gochuico St., ng lungsod noong gabi ng Marso 11.

Inaalam pa kung may kaugnayan ang nasabing laboratoryo sa P1.1 bilyong shabu na nakumpiska sa isang Tsino sa Valenzuela City ilang araw ang nakalilipas.

Kinukumpirma rin kung sangkot sa operasyon ng nasabing laboratoryo ang mga sinakote sa buy-bust operation sa Quezon City noon namang Marso 9. (ALAIN AJERO)

290

Related posts

Leave a Comment