HANDA ang PDP Laban at si House majority leader Martin Romualdez na isulong ang mga Pambatasang balakin sa pagpasok ng administrasyon ni incoming president Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Nagkaroon ng pagpupulong ang mga miyembro ng PDP-Laban at si Romualdez bilang suporta sa huli sa kanyang Speakership bid.
Matapos ang pulong sa Edsa Shangrila Hotel sa Mandaluyong City ay pinaunlakan ni Romualdez ang ilang mamamahayag para sa ambush interview.
Nasa larawan (mula sa kaliwa) sina Bulacan Rep. Rida Robes, Surigao Del Sur Rep. Johnny Pimentel, Reggie Velasco at Pampanga Rep Aurelio Gonzales.
Sinabi ni Rep. Robes na ang PDP ay umaasa na makatrabaho si Romualdez na siyang magiging Speaker sa 19th Congress.
196 