Publiko hinikayat ni Cayetano SUPORTA MUNA KAY MARCOS

SA hindi inaasahang pagkakataon, nananawagan ng suporta sa susunod na Pangulo ang isa sa mga pinakamaingay na kritiko ng pamilya Marcos.

Giit ni Senator-elect Alan Peter Cayetano, bigyan muna ng pagkakataon si incoming President Ferdinand Marcos Jr. na patunayang karapat-dapat siya sa tinamong botong nagbibigay mandato bilang Pangulo ng bansa.

Gayunpaman, nilinaw ni Cayetano na dapat pa rin maging mapagmatyag ang publiko kasabay ng panghihimok na husgahan ang susunod na administrasyon sakaling pumalya si Marcos sa mga binitawang pangako.

“Give him a chance, see what he does, and then let’s judge it later on. Kasi it’s easy to judge him and his family before this. Malinaw ‘yon,” ani Cayetano, ilang saglit matapos ihayag ng Commission on Elections (Comelec) ang talaan ng 12 bagong senador.

“Ang prinsipyo ko, kung sino pinili ng tao, bigyan mo ng chance. But do not follow blindly. Kung may mali, dapat alam nilang mali ang ginagawa. Kung may tama, then tulungan mo. O tama ang ginagawa, tulungan mo.”

Hindi rin aniya angkop na husgahan si Marcos dahil lamang sa kanyang apelyido.

“There are issues regarding the Marcos family that will remain. And it’s up to them to answer that. It’s up to you in the media to hound them on that. It’s up to the people to go to them and hold them accountable. Pero iba ‘yon na ngayon siya na-elect,” dagdag pa niya.

“Bilang elected president, iba din ang accountability niya.” (FERNAN ANGELES)

192

Related posts

Leave a Comment