PDU30 DADALO SA VIRTUAL APEC

INAASAHANG dadalo si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Week sa Nobyembre 12, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
Ang bansang New Zealand ang magho-host ng nasabing event.

Ang APEC ay isang regional economic forum na itinatag noong 1989 na naglalayong lumikha ng “greater prosperity” para sa mga tao sa rehiyon sa pamamagitan ng pagpo-promote ng “balanced, inclusive, sustainable, innovative and secure growth” at pag-arangkada sa regional economic integration, ayon sa kanilang official website.

Ang 21 member economies ng APEC ay Australia; Brunei Darussalam; Canada; Chile; People’s Republic of China; Hong Kong, China; Indonesia; Japan; Republic of Korea; Malaysia; Mexico; New Zealand; Papua New Guinea; Peru; The Philippines; The Russian Federation; Singapore; Chinese Taipei; Thailand; United States of America; Vietnam.

Ang New Zealand ang kauna-unahang economy na magho-host ng buong virtual host year ng APEC.

Noong Hunyo, ang gobyerno ng New Zealand ay nag-anunsyo na sila na ang gagawa ng hakbang para sa digital event para makapagbigay ng kasiguraduhan na magaganap ang nasabing event.
Sinabi ni APEC New Zealand Deputy Secretary Andrea Smith na ang global disruption dahil sa COVID-19 na nagresulta ng border restrictions ay mga pangunahing dahilan sa naging desisyon na gawing virtual ang event. (CHRISTIAN DALE)

212

Related posts

Leave a Comment