AGAD nalagutan ng hininga ang isang lalaki makaraang mabundol ng motorsiklo habang tumatawid sa panulukan ng Honorio Lopez Boulevard at E. Rodriguez Street sa Tondo, Manila noong Sabado ng madaling araw.
Tinatayang nasa edad 30 hanggang 40 anyos ang hindi pa kilalang biktima.
Samantala, nasugatan naman ang nakabanggang motorcycle rider na si John Paul Paed, nasa hustong gulang, residente ng Tangos, Navotas City.
Ayon sa ulat ni Police Staff Sergeant Genesis Flagne, sa pangangasiwa ni Police Major Jaime Gonzalez, hepe ng Vehicle Investigation Traffic Section (VITS) ng Manila District Traffic Enforcement Unit (DMTEU), bandang alas-2:08 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa naturang lugar.
Isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang rider. (RENE CRISOSTOMO)
