CAVITE – Arestado ang isang 31-anyos na coordinator matapos lustayin umano sa online sabong ang pera ng kumpanya sa bayan ng Carmona sa lalawigang ito, noong Huwebes ng gabi.
Kasong qualified theft ang kinahaharap ng suspek na si Charlie Cancisio, binata, dahil sa reklamo ng FPBJ Battery Center na matatagpuan sa Brgy. Bangcal, Governor’s Drive, Carmona, Cavite.
Ayon sa ulat, nagtungo si Mary Ann Swering, 32, negosyante at kanyang asawa, sa kanilang shop sa Brgy. Bangcal, Governor’s Drive, Carmona, Cavite upang kunin ang sales nito mula Hulyo 8 hanggang 13 na nagkakahalaga ng P57,548,00, mula kay Cancisio.
Gayunman, walang maibigay na pera ang suspek sa may-ari ng shop hanggang sa inamin nito na naubos niya ang pera dahil sa paglalaro ng online sabong dahilan upang ipaaresto ang suspek.
(SIGFRED ADSUARA)
