PERALTA COURT GUILTY BY ASSOCIATION?

KAPAG hindi parin nadesisyunan ng Supreme Court EN BANC na umuupong Presidential Electoral Tribunal (PET) ang motion for inhibition na isinumite ng kampo ni dating Senator Ferdinand R. Marcos Jr. At ng Office of the Solicitor General abay maituturing na guilty by association ang Peralta Court sa mga paratang laban kay Justice Marvic Leonen.

Kapag nagkaganoon ay wala ring karapatan ang Peralta o Supreme Court na mamarusa ng mga Mahistrado ng Court of Appeals, Court of Tax Appeals, Sandigan Bayan, Judges, at ­maging mga kawani ng Hudikatura sa kaso ng katamaran at iba pa dahil mismong ang miyembro ng Supreme Court En Banc ay guilty nito.

Kasi nga po, kinakastigo ng Supreme Court ang mga hukom o judges ng Hudikatura kabilang na ang mga justices ng Court of Appeals, Court of Tax Appeals, Sandigan Bayan, kapag inirereklamo na tatamad-tamad ang mga ito sa ­pagresolba ng mga kaso na nakabinbin sa kanilang mga hurisdiksyon.

Pero itong si Justice Leonen na kasama nila mayroong umaabot na mahigit sa walumpung kaso na hindi naaksyunan ay tila bulag ang mga ito at hindi nila kayang parusahan ang kanilang kapwa justice sa Supreme Court.

Dahil dyan ay magiging isang malaking dungis sa ten-(10) point agenda ng Peralta Court yang reklamo na yan laban kay Justice Leonen, kasi po ipinangako mismo ni Chief Justice Diosdado

Peralta na sa kanyang pamumuno ay lilinisin niya ang Hudikatura laban sa mga inefficient, tamad, at iba pang mga katiwalian ang mga kawani ng Hudikatura.

MANGYAYARI KAYA?????

Kung atin pong muling susuriin kung bakit pinag-iinhibit ng kampo ni dating Senator Ferdinand R. Marcos Jr. At ng Office of the Solicitor General si Justice Leonen sa election protest ng dating Senador laban kay Vice President Maria Leonor Gerona-Robredo dahil sa umanoy inu-upuan lamang ito ni Justice Leonen sa halip na pabilisin ang pag-usad ng naturang election protest ay mas lalo lamang nitong pinatatagal o pinababagal ang proseso nito dahil sa halip na pabilisin ang ­proseso ay mas lalo pang pinabagal makaraang pagkomentuhin pa ni Justice Leonen ang Commission on Election at ang Office of the Solicitor General kaugnay sa 3rd cause of action ng election protest ni dating Senator Marcos.

Ayon nga sa kampo ni Marcos na ang ginawa ni Justice Leonen ay panibagong layering na isang paraan upang i-delay ang proseso ng kanilang election protest.

Itoy bukod pa sa mga documented nang pagiging bias ni Justice Leonen kay dating Senator Marcos at sa pamilya nito.

Sinabi nga ng isang kilalang abogado na si Atty. Lorenzo Larry Gadon na isang BOBONG “MAHISTRADO” na walang alam sa batas si Justice Marvic Leonen dahil sa paghingi pa nito ng payo o pinagkumento pa nito ang  Commission on Election (Comelec) at ng Office of the Solicitor General (OSG) kung may kapangyarihan ba ang presidential electoral tribunal (PET) upang aksyunan ang third cause of action ng election protest ni dating Senador Marcos laban kay VP Robredo.

Paliwanag ni Atty Gadon na sobrang katangahan naman sa panig ng isang mahistrado na itanong pa ito sa comelec at osg gayung malinaw naman ang nakasaad sa saligang batas ang kapangyarihan ng Presidential Electoral Tribunal na itoy mayroong Sole power or Jurisdiction upang desisyunan ang mga election protest laban sa pangulo at ikalawang pangulo ng bansa.

Ipinunto pa ni Atty Gadon ang paliwanag ng OSG at COMELEC na sa ilalim ng Article VII section 4 ng Saligang Batas na ang Korte Suprema na tumatayong Presidential Electoral Tribunal o PET ay ang “sole judge” ng lahat ng mga protesta na may kinalaman sa eleksyon, returns at kwalipikasyon ng presidente at bise presidente.

Dagdag pa ng paliwanag ng OSG, ang PET ang may kapangyarihan na magdeklara ng annulment o failure of elections nang walang paglabag sa otoridad ng Commission on Elections o COMELEC.
Binigyang diin pa ng OSG na ang hindi lamang uubra ay ang i-utos ng PET ang pagsasagawa ng special elections dahil wala ito sa Konstitusyon.

Ibig sabihin, ang COMELEC lamang ang may kapangyarihan na magsagawa ng special elections sa ilalim ng Omnibus Election Code.

Idinagdag pa ni Atty Gadon na ang election protest ni Marcos laban kay Robredo, bagama’t ang mga boto sa Maguindanao, Lanao del Sur at Basilan ay idineklarang “null and void”, wala namang ­”failure of election”.

Oo nga po pala habang ginawa ko ang kolum kung ito dumating sa akin ang mensahe ng mapagkakatiwalaang source na binigo ng SC EN BANC yung mosyon ni dating Senador Marcos at ng Office of the Solicitor General na mag-inhibit sa election protest ni dating Senator Ferdinand R. Marcos ang kontrobersyal na si Supreme Court Associate Justice Mario Victor Leonen.

Kung saan nagpalabas pa ng kautusan ang PET na nagaatas sa OSG at sa Senior Reporter ng Manila Times na si Jose Marcell A. Canlas na magpaliwang kung bakit di sila dapat patawan ng contempt ng PET. kaugnay sa kanilang naging aksyon sa motion for inhibition ni dating Senator Marcos laban kay Justice Leonen na siyang ponente sa kanyang election protest laban kay VP Robredo.

97

Related posts

Leave a Comment