PH FLAG BINASTOS, 4 DAYUHAN ARESTADO

CAVITE – Apat na dayuhan na kinabibilangan ng tatlong Pakistani at isang Romanian national, ang dinampot ng Cavite Police dahil sa kawalan ng galang  sa ating Pambansang Watawat sa bayan ng Ternate sa lalawigang ito, noong Lunes ng umaga.

Kasong paglabag sa Sec. 34 (I) Paragraph (a) ng RA 8491 (An Act Prescribing The Code of  the National Flag) ang kinahaharap ng mga suspek na sina Sharoon Manzoor, 29; Shahid Manzoor, 45, at Shamail Jalal, 36, pawang Pakistan nationals, at Loan Oprescu y Emil, 36, isang Romanian national.

Ayon sa ulat, dakong alas-5:40 ng umaga nang inaresto ni Sergeant Jovlin R. Rojo ng Philippine Marines (PM), ang apat na dayuhan nang maaktuhan na hinatak ang Pambansang Watawat sa loob ng Marine Base Gregorio Lim (BGL) sa Sitio Calumpang, Brgy. Sapang 1, Ternate, Cavite saka itinapon sa madamong bahagi ng kampo.

(SIGFRED ADSUARA)

200

Related posts

Leave a Comment