NAGBABALA si Senador Panfilo Lacson na posible ring masilip ang paglabag ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa National Internal Revenue Code.
Ito ay makaraang matukoy na hindi nagkaltas ang PhilHealth ng withholding tax sa kanilang mga ipinalabas na pondo sa ilalim ng Interim Reimbursement Mechanism (IRM) sa ilang ospital, dialysis centers at iba pang health care institutions.
Sinabi ni Lacson na bilang tax agent ng Bureau of Internal Revenue (BIR), mandato ng PhilHealth na kolektahin ang facilitation at professional fees sa IRM fund.
Inamin ni Renato Limsiaco Jr., PhilHealth senior vice president for fund management sector, na hindi nila alam na dapat bawasan ng fees ang IRM funds.
“Ang masama dito, they already advanced to the BIR ang dapat withhold nila. Ang tanong ko, saan nyo kinuha ang sabi nyang P152 million na dapat equivalent sa withheld na taxes? Sabi nya sa
capital outlay. So that’s criminal,” saad ni Lacson.
Itinuturing din ni Lacson na palusot ang pahayag ng Philhealth na hindi nila alam na dapat kaltasin ang withholding tax. (DANG SAMSON-GARCIA)
189 